Una sa Balita

25 kababaihan may pa-art exhibit para sa mga Pangasinan frontliner

0 388

BILANG pagbibigay-pugay sa mga frontliner sa Pangasinan, 25 na mga female artist ang magsasagawa ng online art exhibit na tinatawag “Sarag Mi” (We Can) para kumalap ng pondo para sa kanilang katapangan kontra coronavirus disease-2019 (COVID-19).

Ayon kay Sarag Mi organizer Aileen dela Cruz, ang pangunahing tema ng nasabing exhibit ay paglalarawan ng mga kababaihan para sa kanilang iba’t ibang propesyon sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Sa kanilang gagawing art work, ayon kay Dela Cruz, lahat ng kanilang obra ay maia-upload sa Sarag Mi Facebook page para makita ng publiko.

Ayon pa kay Dela Cruz, ang lahat ng artwork o obra ay kumpleto sa caption, artist detail, data creation at artist statement.

Aniya, sino man ang interesado sa pagbili ng obra, maaari itong kunan o i-screenshot ang napili nilang artwork at i-send sa private message ng nasabing facebook page.

“This will be done on a first-come, first-served basis,” ani Dela Cruz.

Ang kikitain ng nasabing exhibit, ayon kay Dela Cruz, ay maido-donate sa mga tauhan ng Region 1 Medical Center para sa form ng personal protective equipment (PPE).

“We decided to donate to R1MC since most of the patients under investigation (PUIs) are brought in the hospital. We saw the post of R1MC needing support. The hospital is also nearest to our locations so we chose the hospital as the recipient of our fund-raising. When we contacted them, they admitted they needed more PPEs for the front-liners,” ani Dela Cruz

Hinikayat din ang grupo ng artist ang mga indibidwal na mag-donate at suportahan ang kanilang proyekto. (Allan Bergonia)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More