Una sa Balita

25 Chinese worker, contractor ng Chico irrigation project pinagmulta ng DOLE

0 245

Pinagmulta ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang Chinese contractor ng P4.3 bilyon sa Chico Ri-ver irrigation project sa Kali-nga dahil sa paglabag ng batas paggawa at kawalan ng alien employment permit.

Ayon kay DOLE-Cordillera regional director Exequiel Ronnie Guzman, ang 25 Chinese worker ay pinagmulta ng P10,000 bawat isa dahil sa wala silang employment permit, habang ang China CAMC Engineering Company Lt., ang contractor ng Chino pump irrigation project ay pinagmulta ng P250,000 dahil sa pagkuha ng mga foreign worker ng walang permit na ibinigay ng ahensiya.

Samantala, sinabi ng DOLE-Cor, ang 25 Chinese worker ay kailangan mag-apply para mabigyan ng employment permit kasama ng P9,000 filing fee bawat isa para makakuha ng permit.

“The hiring of foreign wor-kers by contractors is not actually prohibited, provided that, those hiring them comply with the primary requirement of securing their alien employment permit,” ani Guzman.

Inamin ng DOLE-Cor na ang trabaho ng mga Tsino ay mga “highly technical” na trabaho para sa proyekto na sinertipa-kahan ng National Irrigation Administration (NIA) lalo sa paghahawak ng mga high-tech na kagamitan sa tunneling. Ang mga kagamitan ay dala ng Chinese contractor at hindi pa available sa Pilipinas.

Ayon kay Guzman, humingi naman ng paumanhin ang Chinese company para sa kanilang kamalian at nangakong tutupad sa alitun0tunin ng DOLE. (Allan Bergonia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy