Una sa Balita

248 OFW nilibre ng Kuwait sa pag-uwi

0 765

Nilibre ng Kuwaiti government ang pagpapauwi sa Pilipinas ng 248 overseas Filipino workers sa harap ng banta ng coronavirus disease 2019 .

Ito ang iniulat ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa pulong ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases .

Sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na nakalibre ng gastos ang gobyerno dahil sinagot ng Kuwaiti government ang pamasahe ng mga umuwing OFW nitong Huwebes.

“Sinuwerte tayo, 248 of our OFWs in Kuwait arrived in the country. Nag-chartered sila ng plane, ibinigay sa atin ng libre para sa ating OFWs,” ani Bello.

Sa kabila ng matinding banta ng COVID-19, sinabi ng kalihim na walang mga Pilipinong gustong umuwi mula sa Italy na isa sa mga bansang mataas ang bilang ng mga namamatay at nadadapuan ng COVID -19 kada araw.

Magbibigay aniya ang DOLE ng $200 dollars o katumbas ng P10,000 para sa mga OFW na nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19.( Aileen Taliping)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More