Una sa Balita

2,441 tinamaan ng dengue sa Iloilo

0 404

NAKAPAGTALA ng kabuuang 2,441 bilang ng dengue case, kabilang ang 12 nasawi, ang lalawigan ng Iloilo simula Enero hanggang Hunyo 1, 2019 ayon sa Provincial Health Office (PHO).

Sa tala ng ahensya, nagkaroon ng 597 porsyentong pagtaas sa kaso ng dengue at nasawi kumpara sa kaparehong panahon noong 2018.

Kabilang naman ang Passi City sa may pinakamataas na kaso na nakapagtala ng 225. Sinundan ito ng Pototan, 197; Ajuy, Concepcion, 173; Calinog, 161 at Santa Barbara, 116.

Sa bilang na ito, ang Concepcion umano ang may pinakamataas na bilang ng nasawi na nakapagtala ng tatlo, sinundan ng Pototan, Banate at Bingawan na may tig-dalawang nasawi, habang ang New Lucena, Santa Barbara, at Pavia ay may tig-isa, ayon kay PHO chief Dr. Patricia Grace Trabado.

Gayunman, sakabila ng pagtaas sa bilang ng tinamaan ng dengue, hindi pa naman umano kailangang magdeklara ng outbreak ayon pa sa opisyal ng PHO.
Hinikayat ng ahensya ang publiko na sirain ang mga lugar na maaaring pamahayan at mangitlog ang mga lamok na nagdadala ng dengue.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy