Una sa Balita

24 medalya pipitasin ng athletics – Popoy

0 310

HANGGANG 24 me­dalya o anim na ginto, 10 pilak at walong tanso, ang ­estima ng ­Philippine ­Athletics Track and Field ­Association (­Patafa) na ­maiaambag sa Team Philippines sa nalalapit nang 30th SEA Games simula Nobyembre 30.

Ayon kay Patafa President Philip Ella ‘Popoy’ Juico, kaya ng anim nitong atleta na makapagwagi ng gintong medalya mula sa 48 paglalabanang athletica event sa biennial meet.

“Ang sabi namin sa kanila (possible silver medallists), you guys who are capable of ­silver, tirahin niyo na. Try your best to win the gold. Kasi sabi nila, a silver can also be gold,” sabi ni Juico.

Papagitna ang athletics event sa kada dalawang taon na multi-sports na torneo sa Disyembre 5-10 sa 20,000-seat New Clark City Athletics Stadium sa loob ng malawak na 9,500-ektarya na NCC sports complex.

“Sa triple jump, it’s Harry Diones. He has been a little ­inconsistent, kaya lang tumataas ang ­ranking niya. From silver, ­puwedeng mag-gold iyan. In decathlon, it’s Aries Toledo, who won gold in Kuala Lumpur.

Probably good for a silver, pero puwede rin mag-gold,” sabi ni ­Juico. “We urge them to go for it. Ibigay na ang lahat for our ­country.” (Lito Oredo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy