Una sa Balita

24 bebot nasagip sa prostitution den sa Laguna

0 987

NASA 24 na kababaihan ang na-rescue ng mga pulis matapos sa­lakayin ang dalawang spa clinic na umano’y front ng prostitution sa Calamba City, Laguna kamakalawa.

Inaresto ang dalawang cashier ng dalawang spa habang sasampahan naman ng kaso ang mga may-ari ng naturang establisim­yento.

Kinilala ni Senior Supt. Eleazar Matta, Laguna Police provincial director ang naaresto na sina Ian Rosen Tacumba, cashier ng Aquarius Massage Clinic, at Mary Rose Delos Reyes Moreno, cashier ng Divine Massage and Spa.

Unang sinalakay ng mga tauhan ng Provincial Intelligence Branch (PIB) at Calamba City police ang Aquarius Massage Clinic na nasa Barangay Halang matapos na makumpirma ng surveillance team na bukod sa massage services ay nag-o-offer pa ito sa mga kliyente ng ‘extra sexual service’ sa halagang mula P1,500.00 pataas.

Na-rescue dito ang 18 kababaihan na nagtatrabaho bilang mga masahista.

Nasa anim naman na kabataang babae ang nakuha ng mga awtoridad sa Divine Massage and Spa na nasa Barangay Real na siyang kasunod na sinuyod ng mga pulis.

Kinustodiya muna ng Calamba police ang mga babae habang pinopro­seso ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang paglipat sa kanila sa temporary shelter.

Sasampahan naman ng kasong paglabag sa Anti-Trafficking in Persons Act of 2003 (RA 9208) as amended by Expanded Anti-Trafficking­ in Persons Act of 2012 (RA 10364) ang dalawang kahera at ang mga may-ari ng dalawang spa na sina Horace Louie Asis at Rolando Mapa.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy