Una sa Balita

24 bansa rambulan sa Olympic Qualifying

0 269

DALAWAMPU’T APAT na teams ang magrarambulan sa susunod na taon para pag-agawan ang last four spots ng men’s basketball tournament sa 2020 Tokyo Olympics.

Kuha na ng host Japan, US, Spain, Argentina, France, Australia, Nigeria at Iran ang unang walong tickets.

Sa pamamagitan ni secretary general Andreas Zagklis, siniguro ng FIBA na sa lalong madaling panahon ay ihahayag na ang dates at lugar ng mga torneo.

Igu-grupo sa apat na tig-anim na teams ang mga magbubuno sa tournament.

Ang winner ng bawat torneo ay magku-qualify sa Tokyo.

Idadaan sa bidding ang mga bansang interesadong mag-host ng event, magbabayad ng hosting fee kapag napili.

Ilalarga ang torneo sa iba’t ibang continents, ayon pa kay Zagklis. (VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy