Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

24 adik dinampot sa Cavite

0 485

Sinalakay ang isang hinihinalang drug den sa Cavite kung saan 24 drug user ang dinampot.

Sa ulat ng Cavite Police Provincial Office, alas-6:00 kamakalawa ng gabi hanggang alas-2:00 ng madaling-araw nang isinagawa ang buy-bust operation sa apat na lungsod at dalawang bayan.

Pinakamaraming naaresto sa Bacoor (15), sumunod ang Dasmariñas (4) habang dalawa sa Trece Martires at tig-iisa sa Cavite City, Indang at Carmona.

Sa buy-bust operation sa Bacoor, nagsilbi umanong drug den ang bahay ng isang Luzviminda Reyes, 67, ng Brgy. Maliksi 1. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.