Una sa Balita

236 Pinoy evacuees sa Caribbean iuuwi sa Pinas

By
0 171

Simula sa Lunes, pauuwiin na sa Pilipinas ang may 235 Pinoy sa Caribbean islands na sinalanta ni Category 5 Hurricane Irma.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), inayos na nila ang pagsasakyang eroplano ng mga Pinoy evacuees mula sa popular na tourist destination.

“There are now as many as 236 of our kababayans (fellowmen) from various parts of the Caribbean who have asked to be repatriated. We assure them that we will bring all of them home,” sabi pa ni Foreign Secretary Alan Cayetano.

Relief goods ipi­namahagi

Namigay ng emergency supplies ang ipina­dalang Embassy Res­ponse Team ng pamahalaan para sa mga Filipino na nasalanta ng nagdaang Hurricane Irma sa US Virgin Islands.

Sa ulat ng tinanggap ni Department of Fo­reign Affairs (DFA) Sec. Alan Peter S. Cayetano mula kay Patrick A. Chuasoto, Chargé d’Affaires ng Philippine Embassy, kabilang sa mga relief goods na ipinamahagi ang mga mineral water, bigas, gamot, portable energy sources at mga pagkain.

Base sa opisyal na datos ng embahada, tinatayang nasa 271 Filipino nationals ang nasa US Virgin Islands.

Samantala, sa kalapit na British Virgin Islands (BVI), sinimulan na rin ng Embassy Response Team ang pamamahagi ng vouchers sa mga Filipino upang makakuha ng pa­ngangailangan ng mga ito habang pansamantalang walang operasyon ang pamahalaang lokal.

Pagtitiyak ng DFA, magkakatulong ang DFA-Office of the Undersecretary for Migrant Workers Affairs, ang Philippine Embassy in Washington, D.C., USA, Philippine Embassy sa The Hague, Netherlands, Philippine Overseas Labor and Welfare Office-DC, at ng iba pang response teams, na hindi titigil sa pamamahagi ng tulong at pagsagip sa mga Filipino na lumikas at umuwi na mula sa sinalantang Caribbean islands.

Sa kasalukuyan, ay nasa 160 Filipino ang nasa BVI, Anguilla, at Saint Martin/Sint Maarten ang humiling na sumailalim sa repatriation assistance mula sa Philippine go­vernment.

Patuloy ring binabantayan umano ng Philippine Embassy sa Washington, D.C. ang sitwasyon sa Turks at Caicos Islands, at sa US southeastern states ng Florida, Georgia, Alabama, Tennessee, at South Carolina, na sinalanta rin ng Hurricane Irma. 

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More