Una sa Balita

23-kilo ng marijuana lumutang

By
0 137

Higit sa 23-kilo ng marijuana ang nadiskubre ng isang mangingisda na lumulutang sa karagatang sakop ng San Ricardo, Southern Leyte.

Sa report na ipinara­ting sa Camp Crame, nakalagay sa may 22 plastic bag na nakasilid sa blue container drum ang nasabing marijuana nang madiskubre ng mangi­ngisdang si Diosdado Bakhawon.

Ayon kay Bakhawon, nakita niya ang drum na lumulutang habang siya ay nangingisda kaya’t agad niya itong iniahon sa dagat.

Laking gulat ng ma­ngingisda nang madiskubreng naglalaman ang drum ng 22 pakete ng high-grade marijuana na nagkakahalagang P42 milyon.

Agad namang isinuko ni Bakhawon sa awtoridad ang napulot na ma­rijuana.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More