Una sa Balita

22M jackpot sa lotto nadale ng taga-Biñan

By
0 374

ISANG mananaya mula sa Biñan City, Laguna ang nakadale ng P22 milyong premyo ng Lotto 6/42.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), nakuha ng mapalad na mananaya ang winning combination na 15-26-11-23-24-01 na may kabuuang jackpot prize na P22,018,008 sa bola noong Sabado ng gabi.

Nabili ang ­winning ticket sa isang lotto outlet sa A.J. Gonzales St., Barangay ­Poblacion, Biñan City, Laguna.

Umabot naman sa 50 mananaya ang nakuha ang lima sa anim na winning combination kaya’t magkakaroon din sila ng premyong P14,280 bawat isa.

Samantala, patuloy namang mailap ang P114 milyong jackpot ng 6/55 Grand Lotto nang walang makakuha sa winning combination na 46-54-36-08-30-44.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More