221 provincial bus balik-pasada na

Maaari nang umuwi ang mga residente ng Region 6 na naging stranded sa Luzon.
Ito’y matapos buksan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pitong bagong ruta papunta at pabalik sa Western Visayas para sa 221 provincial bus.

Pinayagan na ang mga sumusunod na ruta ng mga nasabing bus:
Kalibo, Aklan – Sta. Rosa Integrated Terminal, Laguna
Malay, Aklan – Sta. Rosa Integrated Terminal, Laguna
San Jose, Antique – Sta. Rosa Integrated Terminal, Laguna
Roxas City, Capiz – Sta. Rosa Integrated Terminal, Laguna
Estancia, Iloilo – Sta. Rosa Integrated Terminal, Laguna
Iloilo City, Iloilo – Sta. Rosa Integrated Terminal, Laguna
Miag-ao, Iloilo – Sta. Rosa Integrated Terminal, Laguna
Paalala ng LTFRB, sa isang ulat, na walang taas-pasahe na ipatutupad. (SDC)