Una sa Balita

220 pekeng brake shoe bearings nasamsam

By
0 13

Nasamsam ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) sa isang tindahan ng motorcycle accessories ang may 220 piraso ng imitasyon ng break shoe bearings, noong Miyerkules sa Mandaue City sa Cebu.

Sa bisa ng seacrch warrant na inisyu ni Judge Rainelda H. Estacio-Montesa ng Manila Regional Trial Court Branch 46, kaugnay sa paglabag sa Republic Act 8293 o Intellectual Property Code of the Philippines, sinalakay ng NBI-Intellectual Property Rights Division (IPRD) ang Twin Motorcycle Accessories And Groceries na matatagpuan sa no. 243 A. Del Rosario st., Mantuyong, Mandaue City, Cebu, at ang TY Racing sa Benedicto Building, sa D. Jakosalem st., Cebu City.

Nag-ugat ang pagsa­lakay sa reklamo ng kinatawan ng Makoto trademark ng Mitsukoshi Motorcycle Philippines Inc. na si Arabelle Lee, laban sa isang Luis Tan.

Ayon sa reklamo, ma­tinding pagbagsak sa benta ang naranasan ng kumpanya at kasabay din ng dagsang reklamo sa kalidad lalo na sa mga depek­tibong bearings na may tatak ng “Makoto” kaya pinaimbestigahan at natunton sa merkado ang mga pekeng produkto.

Binigyan naman ng babala ng NBI ang mga tumatangkilik sa mga mura subalit pekeng produkto ng brake shoe bearings na ‘buhay’ ang nakataya sa kanilang pagtitipid kaya mas makabubuting siguruhin na genuine ang binibilin lalo na ang mga motorcycle rider.