Una sa Balita

22 todas sa hotel siege sa Kabul

By
0 2,002

Napatay ng mga armadong kalalakihan na sumalakay sa five-star hotel sa Kabul ang 22 katao matapos ang 12 oras na bakbakan sa security forces ng Afghanistan noong Linggo.

Kinumpirma ng mga awtoridad na 14 na dayuhan ang patay at apat na Afghan ang binawian ng buhay sa ginawang pagsalakay ng Taliban sa anim na palapag na Intercontinental Hotel. Hindi pa alam ang nasyonalidad ng ibang nasawi.

Sa mga napatay na dayuhan, anim ang Ukrainian, ayon sa kanilang Foreign Mi­nister na si Pavlo Klimkin. Ang iba pang nasawi ay mamamayan ng Greece, Germany at Kazakhstan.

Higit sa 160 katao naman ang nailigtas sa naturang pag-atake, kung saan marami ang dumaan sa balkonahe ng kanilang kuwarto at ginamit ang bed sheets para makababa.

Ang anim na umatakeng Taliban ay napatay ng security forces ng Afghanistan, sa tulong ng mga tropa ng Norway.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy