Una sa Balita

22 points ni Angara armas ng Sentinels

By
0 2,286

KAPWA lumakas ang tiyansa ng Judiciary at ng Senate para sa semifinals berth matapos pisakin ang kani-kanilang kalaban nitong Linggo sa 2nd UNTV Cup E­xecutive Face-Off sa Pasig City Sports Center.

Pinangunahan ni Senator ‘Sonny’ Angara, nagsisilbi ring Sama­hang Basketbol ng Pilipinas (SBP) chairman, ang Senate Sentinels sa ikinamadang 22 puntos sa likod ng 8-of-14 shooting tungo sa 76-72 thriller laban sa DoJ.

“Medyo maganda lang ang mga bitaw natin kaya sinuwerte tayo sa laro,” pakli ni Senator Angara sa kaniyang pinakamagandang performance sa naturang torneo.

Bukod dito, nag-ambag pa ang Senador ng tig-anim na rebounds at assists at sumikwat ng bola nang dalawang beses para pangunahan ang Senate Sentinels sa 4-1 panalo-talo kartada.

Angat lamang ng isa ang Senate Sentinels sa 1:07 mark ng final canto, isang driving lay­up ang isinalpak ng 45-anyos na mambabatas para bahagyang ilayo ang koponan, 73-70.

Sa kasunod na play, sablay ang panabla sanang tres ng DoJ at nakuha ni Angara ang rebound kung saan ay agad siyang na-foul ng kalaban.

Sablay ang unang free throw ng Senador subalit kalmadong ipinasok ang pangalawa sa natitirang 23 segundo para sa 74-70 abante.

Umayuda naman ang kapwa Senador ni Angara na si Senator Joel Villanueva ng 22 points, kaparehong dami ng marka ni Warren Tan.

Samantala, uma­ngat din sa 4-1 baraha ang Judiciary Magis sa kabayanihan ni Pampang­a MTC Judge Wendell Ramitere na sumabog ng 30 points sa 108-50 pambubusabos sa GSIS Furies.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy