Una sa Balita

21 todas sa Kenya hotel siege

0 503

TINATAYANG 21 katao ang namatay matapos salakayin ng mga armadong kalalakihan mula sa Somalia ang luxury hotel sa Kenya noong Martes.

Sa isinagawang operasyon ng mga awtoridad na natapos nitong Miyerkoles nang gabi, 28 katao ang dinala sa pagamutan habang 19 naman ang iniulat na nawawala.
Kabilang sa napatay ng Somali mi­litants nang lusubin nila ang DusitD2hotel sa Nairobi ay isang Amerikano at Briton.

Ayon kay President Uhuru Kenyatta, limang jihadist attacker ang napatay sa operasyon ng mga awtoridad.

Pinag-initan ng al-Shabag ang Ken­ya simula noong Oktubre 2011 matapos silang magpadala ng Army upang makipaglaban sa jihadist group sa Somalia.

Nagbabala naman ang presidente ng Kenya na lahat ng sangkot sa pagpopondo at pagpaplano sa atake ay kanyang ipatutugis upang panagutin sa kanilang karumal-dumal na krimen.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy