Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

21 sunog naitala sa Cebu paghagupit ni `Odette’

0 167

ANG mga napapabayaang kandila ang dahilan kung bakit dumarami ang insidente ng sunog na naitatala sa Cebu, ayon sa Bureau of Fire Protection sa Cebu City.

Kandila ang karamihang ngayon sa lugar dahil nawalan ng kuryente bunsod ng pananalasa ng bagyong Odette.

Nakapagtala ng 21 sunog sa Cebu City kasunod ng pananalasa ng bagyong Odette.

Sinabi pa ng BFP na may isang generator na nasunog dahil ang ginamit na gasolina ay hindi maayos na naisalin sa makina.

Sa report ng ahensya, ang damage mula sa sunog ay umabot na sa P21,808,930. Ang pinakahuli ay naitala sa Sitio Ipil-ipil, Barangay Capitol Site.

Sa ngayon ay ipinagbawal na ng lokal na pamahalaan ang paggamit ng mga pyrotechnics, firecrackers at fireworks. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.