Una sa Balita

21 Saudi military cadet pinalayas sa US

0 304

PINALAYAS ng Amerika ang 21 na miyembro ng Saudi military matapos ang naganap na ­pamamaril sa air base.

Ayon sa BBC report, hindi man ­inaakusahang sangkot ang 21 military cadet sa pamamaril ng 21-anyos na Saudi Air Force lieutenant pero ­nakita sa pag-iingat nila ang ilang Jihadist ­material at mga hubad na larawan ng mga bata.

Tinawag ni US Attorney General William Barr ang pamamaril sa Naval Air Station sa ­Pensacola na isang uri ng terorismo.

Bunsod nito, sinuspinde muna ang training sa mga Saudi serviceman sa US matapos ang pag-atake.

Disyembre 6 naganap ang pamamaril kung saan tatlong sailor ang napatay habang walo ang sugatan. (IS)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More