Una sa Balita

21 pulis-Cebu sinibak sa puwesto

0 589

SINIBAK sa puwesto ng Police­ Regio­nal Office sa Central Visayas (PRO-7) ang lahat ng tauhan ng Daanbantayan Police sa Cebu.

Ayon kay Chief Supt. Debold Sinas, director ng PRO-7, tinanggal sa puwesto ang 21 pulis ng Daanbantayan kabilang ang chief of police na si Senior Insp. Adrian Nalua.

Sinabi ni Sinas na ang pagtanggal sa mga miyembro ng Daanbantayan Police ay dahil sa kanilang low performance.

Sa loob ng 1 taon, nasa 11 operasyon lamang aniya ang naisagawa ng natu­rang police station.

Nasa 28 na pulis mula sa Regional Mobile Force Battalion ang pumalit sa mga tinanggal na pulis habang si Nalua ay pinalitan ni Chief Insp. William Jonoc.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy