Una sa Balita

$21.3M player option tatablahin ni Kawhi

0 403

TATABLAHIN daw ni Kawhi Leonard ang kanyang player option para sa 2019-20 at pipiliing maging unrestricted free agent.

Pero bago makapagdiwang ang mga nakaabang sa two-time NBA Finals MVP, mas liyamado ang Toronto Raptors sa equation.

Ayon sa Yahoo Sports, seryosong ikinokonsidera daw ni Leonard na muling pumirma sa Raptors, ang team na inihatid niya sa NBA title nitong nagdaang season – kauna-unahan ng prangkisa sapul nang sumali sa liga noong 1995.

Nagkakahalaga ng $21.3 million ang player option ni Leonard, pero kapag naging free agent ay puwedeng humingi ng maximum contract sa loob ng limang taon.

Raptors daw ang tanging team na makakapag-offer sa kanya ng $190 million.

Ang championship run ni Leonard sa Toronto ang nakikita ng ibang team executives na pinakamalaking dahilan para muli siyang pumirma sa Raptors.

Tinalo nila sa anim na laro ang Golden State Warriors. (VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy