Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

20K rebelde, kumalas na sa CPP-NPA-NDF

0 265

MAHIGIT 20K na mga dating rebelde na ang kumalas sa Communist Party of the Philippines-New People’s Amy-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) mula pa noong 2016 dahil sa maayos na “whole-of-nation approach” ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Sa lingguhang ‘virtual’ na balitaan ng NTF-ELCAC nitong Lunes, inihayag ni Defense Undersecretary and Task Force Balik Loob (TFBL) chair Reynaldo Mapagu na ang nasabing bilang ay magmula nang maging presidente si Pangulong Rodrigo Roa Duterte kung saan kabuuang 20,579 bila na ang mga nagsisukong mga rebelde. Kasama na dito ang 5,262 NPA Fighters, 3,414 miyembro ng Militia ng Bayan, ‘7,626 mass supporters at 2,224 underground mass organization members.

Dagdag pa ni Mapagu, ibinunyag din ng mga nagsisuko ang “51 NPA arms caches nationwide” na nakarekober ng 245 mga armas at 100 improvised explosive devices (IEDs) at anti-personnel mines (APMs).

“Ang pagkakadikubre sa mga armas na ito ay nagpapatunay na humihina na ang bilang ng NPA, na resulta naman ng pagsisikap ng NTF-ELCAC, at patuloy na military at police operations at maging ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program o E-CLIP na ‘flagship program’ ng pamahalaan para sa integrasyon ng mga dating CPP-NPA-NDF,” paliwanag ng opisyal ng TFBL.

Leave A Reply

Your email address will not be published.