Una sa Balita

Nakainom na rider sumalpok sa poste

0 415

PATAY ang backrider habang malubhang nasugatan ang nagmaneho matapos bumangga sa pos­­te ng kuryente ang sinasakyan ng mga itong motorsiklo sa Agoncillo, Batangas Sabado nang madaling-araw.

Ayon sa report ng Agoncillo Police, dead-on-arrival sa ospital ang biktimang si Jerome Mortel, 19-anyos, sanhi ng tinamong mga pinsala sa ulo at katawan.

Inoobserbahan naman ang 19-anyos ding rider na si Kevin Mercado.

Galing sa bayan ng Lemery, sakay ng Sniper 150 motorcycle ang da­lawa at patungo sa kabayanan ni A­goncillo nang mawalan ng kontrol sa manibela si Mercado at biglang sumalpok sa poste na nasa gilid ng highway alas-dos nang madaling-araw.

Palusong umano ang kalsada at matulin ang takbo ng motorsiklo bukod pa sa nakainom umano ang dalawa, ayon sa report kaya nangyari ang aksidente.

Napag-alaman na wala ring suot na crash helmet ang mga ito. (Ronilo Dagos)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy