WebClick Tracer

AbanTV – News | TOLOSA, SISON ‘NAGSABONG’ SA ‘ABOGADONG WALANG ALAM’

@abantenews

TOLOSA, SISON 'NAGSABONG' SA ‘ABOGADONG WALANG ALAM’ Nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagbubukas ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte nitong Miyerkoles, Setyembre 2, matapos punahin ni defense lawyer Sheila Sison ang prosecution counsel na si Jay Tolosa sa paggamit ng katagang “abogadong walang alam.” Ginamit umano ni Tolosa ang naturang pahayag habang ipiniprisinta si defense spokesman Michael Poa bilang prosecution witness, bilang pagtukoy sa nauna nitong pahayag sa congressional hearing na wala siyang alam tungkol sa paggamit ng Department of Education (DepEd) ng confidential funds. Dahil dito, nagpasya si Presiding Officer Chiz Escudero na alisin sa rekord ang naturang pahayag ni Tolosa.

♬ original sound – Abante News