WebClick Tracer

Will nagpakilig sa suporta kay Mika

Napakaraming mga artistang nagpunta sa premiere night ng “Saving Cherry” na pinagbibidahan nina Barbie Forteza, Mikee Quintos, AC Bonifacio, Sassa Gurl, at Mika Salamanca.

Nasa Gateway 2 nga sina Alden Richards, Kim Molina, Darren Espanto, at napakarami pa para sumuporta sa cast ng pelikula.

Pero siyempre, dumating din si Will Ashley.

Kahit hindi tanungin, sigurado namang si Mika ang pinuntahan ni Will sa premiere night ng “Saving Cherry”.

Kilig-kilig nga ang mga faney sa pagdating ni Will.

Sey ng iba, talagang importante si Mika for Will, ha!

In fairness, ang galing din naman ni Mika sa pelikula kaya siguradong na-proud for her si Will.

Anyway, showing na sa mga sinehan ang “Saving Cherry”. (Jun Lalin)