WebClick Tracer

‘TNT’ champ swak sa ‘Sessions With Brian Yamsuan’ ng BNC

Napa-yehey na naman ang mga loyalista na palaging tumututok sa “Sessions With Brian Yamsuan” ng Bilyonaryo News Channel.

Si “Tawag ng Tanghalan” Grand Champion Elaine Duran kasi ang sasalang sa musical show ni Congressman Brian Yamsuan ngayong Biyernes, 10:30pm.

Sey nga nila, isang gabi ito ng world-class na kantahan dahil si Elaine nga ang special guest at ito bale ang pagsalubong sa ‘’ber’ months ng “Sessions With Brian Yamsuan”.

Kilala si Elaine sa kanyang ginintuang tinig at tinanghal nga siya bilang kauna-unahang Hall of Famer ng “Tawag ng Tanghalan” dahil sa kanyang sunod-sunod na pagkapanalo sa loob ng sampung araw sa Season 3 ng paligsahan sa “It’s Showtime”.

Ang bongga rin dahil magkukuwento si Elaine kay Cong. Brian sa episode na ito ng kanyang makasaysayang pagkapanalo sa “TNT” at ibabahagi ang kanyang mga pangarap at plano para sa mga susunod pa niyang tagumpay sa mundo ng OPM.

Tutukan ang kantahan at kuwentuhan sa “Sessions With Brian Yamsuan” ngayong Biyernes (September 4), 10:30pm sa BNC.

Mapapanood din ito sa Free TV Channel 31, Cignal Channel 24, Converge Channel 74, Skycable Channel 33, Samsung TV Plus, TCL Smart TVs, Cignal Play, at mapapakinggan sa 94.7 FM-Ang Best Friend Mo.

So bongga! (Jun Lalin)