NAGDAGDAG pa ng pampuno sa roster ang Philadelphia 76ers kina Tacko Fall, Jameer Nelson Jr. at Saint Thomas.
Kinumpirma ng team ang latest addition na isasahog kina Joel Embiid, Tyrese Maxey, VJ Edgecombe at bagong salta ring sina Jaylen Brown at LeBron James.
Nakuha si Brown mula Boston Celtics via trade kapalit ni Paul George. Pinili naman ni James ang Philly matapos bumitaw sa Los Angeles Lakers nitong free agency.
Inaasahang pipirma sina Fall, Nelson at Thomas ng Exhibit 10 contract, kailangang magpakita sa training camp at kung makukumpirmang may ibubuga pa ay puwedeng mabigyan ng guaranteed deal.
Puwede rin silang magbulsa ng nasa $91,000 kapag naka-dalawang buwan sa G League affiliate ng 76ers na Delaware Blue Coats.
Babalik sa NBA si Fall matapos ang apat na seasons na paglalaro sa CBA sa China at NBL sa Australia.
Sa kanyang height na 7-foot-6, naging fan favorite noon si Fall habang naglalaro sa Boston Celtics bago nalipat sa Cleveland Cavaliers.
Solido na ang core ng Philadelphia sa pagdating nina Brown at James.
Sa All-Star Magazine YouTube channel, nag-deklara si Jason Kidd na mahirap nang tibagin sa East ang Sixers.
“They 76ers could be the best team in the Eastern Conference,” anang dating Dallas Mavericks coach. (Vladi Eduarte)












