KAHIT saang sulok ng mundo, hindi mawawala ang pagkaing Pinoy sa hapag-kainan.
Sa sidelights bago ang unang round match ni Alex Eala laban kay American qualifier Mary Stoiana, limang sikat na Filipino dish ang pina-ranggo sa 21-year old Pinay tennis queen.
Kabilang rito ang adobo, sinigang, kare-kare, lumpia at kaldereta.
Sa naturang limang putahe, least favorite ni Alex ang karer-kare.
“People are gonna hate me because I’m not a big kare-kare fan,” ayon sa kasalukuyang World No 18 na si Eala. “It’s great. A lot of people love it.”
Pang-apat naman sa listahan ni Alex ang lumpia, na aniya’y puwedeng gawing snack o finger food
“A really good lumpia could be great finger food,” ayon kay Eala, na winalis nitong Miyerkoles (Martes sa Amerika) si Stoiana sa unang round ng 2026 US Open sa mga iskor na 6-1, 6-2 sa labang ginanap sa Louis Armstrong Stadium.
Pangatlo naman para kay Alex ang adobo, na aniya ay isa sa mga pinaka-paborito ng mga Pinoy.
“A really good adobo is really good,” dugtong ng magandang tennis star.
Pangalawa naman para kay Alex ang kaldereta, “I love kaldereta. That’s just, I love kaldereta.”
At sa No. 1 spot, sinigang ang tingin ni Alex na best Filipino dish.
“And sinigang is just, it’s the nation’s food. It’s the nostalgia,” sey ni Eala. (Lito Oredo)












