WebClick Tracer

Sexbomb Sunshine pinagtanggol dyowa dahil sa Bulacan flooding

Umalma na si Sexbomb Sunshine Garcia sa mga pambabatikos na natatanggap ng mister niyang si Bulacan Vice Governor Alex Castro.

Sinisisi kasi ng publiko ang mga government official sa Bulacan dahil sa hindi masolusyunang pagbaha sa iba’t ibang lugar sa nasabing lalawigan.

Ayon nga sa mga ulat, anim na bayan sa Bulacan ang nakararanas ng grabeng pagbaha, kabilang na ang Hagonoy, Calumpit, Balagtas, at Paombong.

Dahil dito ay katakot-takot na batikos ang ipinupukol sa mga namumuno ng Bulacan na sina Governor Daniel Fernando at ang VG na si Alex.

Sa kanyang Facebook page ay hindi na nakatiis si Sunshine at naglabas ng mahabang pahayag upang ipagtanggol at ipaliwanag ang side ng mister.

“Sa panahon ngayon napakadaling manira at manghusga ng tao, simpleng tsismis o pag gawa ng kwento ay pwede nang makasira ng reputasyon ng iba,” bungad ng SB member.

“Dati iniisip ko na kapag Politiko ka may power kang gawin ang lahat, pag may sirang kalsada dapat ginagawa na yan kahit sinong nasa pwesto, pero hindi pala yun ganun kadali. Kada pwesto ay may limit ang pwede mong gawin,” patuloy niya.

Paliwanag ni Sunshine, ang trabaho raw ng kanyang mister ay more on batas at resolusyon.

“Sa posisyon ni Alex bilang VG more on sa batas at resolusyon ang trabaho nya. Pero hindi sya nag stop duon lahat ng makakatulong sa Bulacan ginagawa nya even makabangga na sya ng taong mas mataas sa kanya. Itong side na ito ang hindi nakikita ng iba ang alam lang nilang sabihin ay puro papogi. May camera man o wala, umaga man o kahit late sa gabi hindi tumitigil yan mag trabaho kahit nasa bahay na lalo na ngayon nag uulan at alam nyang may mga lugar na naman na binabaha,” saad niya.

“Parang sinisilihan ang pwet nyan sa bahay iniisip kong paano sya makakatulong dahil alam nya na sa kanila ulit ISISISI ang lahat,” aniya pa.

“Naiintindihan namin ang galit ng mga tao lalo na yung mga naapektuhan at nahihirapan ngayon.

“Tama ang hindi dapat tumahimik, tama na dapat may pakialam na tayo at tingnan nang mabuti ang intensyon ng mga nakaupo ngayon. Pero sana hindi din MAGAMIT ANG ISSUE na ito sa MALING TAO,” saad ni Sunshine.

Hindi raw tama na ang kanyang mister ang dapat kalampagin kundi ‘yung mga involved sa maanomalyang ghost flood control projects.

“Bakit hindi yung mga taong involved ang kalampagin talaga? Sa mga mapanuri alam nila kung sino ang dapat kinakalampag, pero sa mga taong may pangit na intensyon ituturo ang iba,” depensa ni Sunshine sa mister.

“MABUTING TAO SI ALEX AT KAMI NA NAKAKAKILALA SA KANYA ANG MAGPAPATUNAY NUON,” pagtatanggol pa niya sa asawa.

“Hindi namin kailangan manlamang ng tao para umangat. So hayaan muna natin sya mag trabaho at gawin lahat ng makakaya nya para makatulong sa Bulacan,” pahayag pa ni Sunshine.

‘Yun na! (Vinia Vivar)