WebClick Tracer

SB19 magpe-perform sa 49th ASEAN Summit

Muli na namang bibida sa international stage ang SB19 ngayong November.

Ang P-pop Kings ang napiling mag-perform sa 49th ASEAN Summit kung saan ang ating bansa ang magiging host country.

Makakasama nina Stell, Pablo, Ken, Josh, at Justin sa nasabing proyekto ang ama ng Pinoy Christmas Songs na si Jose Mari Chan.

Ang mga OPM at P-pop icons ang mangunguna sa pagpo-promote ng cultural at tourism campaign na inorganisa ng Department of Tourism.

Ang collaboration rin na ito ang magpapakita sa Southeast Asian leaders ng ating mahabang selebrasyon ng Kapaskuhan.

Actually, agad nag-trending sa socmed ang pa-teaser ng nasabing collab.

Aliw na aliw ang mga faney sa pagsasama ng SB19 at ni Jose Mari kaya tinawag nga nila ang P-pop kings na mga bagong anak daw ni Mang Jose. (Ogie Rodriguez)