WebClick Tracer

Ryan, Vice nagkaiyakan dahil sa love life

Nagkaiyakan ang mga host ng “It’s Showtime” sa pangunguna ni Vice Ganda matapos maging emosyonal si Ryang Bang sa live episode ng show nitong Miyerkules.

Nagsimula ang touching moment nang magpasalamat si Ryan kay Vice Ganda dahil isinama siya nito sa anniversary concert ni Yeng Constantino kamakailan.

Nag-flashback daw kasi sa kanya ang past nila ng OPM singer.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng marami na dating nanligaw si Ryan kay Yeng pero bigla niya itong itinigil dahil sa takot na bastedin siya ng singer. That time raw kasi ay wala pa siyang pera.

But Yeng later revealed na crush na crush niya si Ryan noon kaso nga ay bigla itong tumigil sa pagpaparamdam sa kanya.

Sa anniv concert ni Yeng ay hinarana pa niya si Ryan na nasa audience katabi si Vice.

Anyway, ayon sa Unkabogable Star, ang partner niyang si Ion Perez dapat ang ka-date niya sa concert ni Yeng pero na-stuck ito sa Quezon at hindi nakaluwas kaya si Ryan ang isinama niya.

Sey naman ni Ryan, “Thank you, Mommy. It was one of my best moments.”

Pagkatapos nito ay parang mangiyak-ngiyak na ang South Korean TV host kaya tanong ni Vice, “Ba’t ka naiiyak?”

Tuluyan nang napaiyak si Ryan at niyakap siya ni Vice.

“Don’t cry,” sabi ni Meme na naging emosyonal na rin.

“Hindi, kasi, sabi ko, makakahanap kaya ako… makakahanap kaya ako na… siyempre, tulad ni Yeng na nu’ng umpisa ako, wala akong pambayad ng date, wala ako kotse, ‘di ba? Wala ako pera. Paulit-ulit ‘yung damit ko. Pero may chance pala ako sa kanya. Makakahanap kaya ako ng gano’n?” sabi ni Ryan.

Pag-assure naman ni Vice, “Hindi ka makakahanap, ikaw ang hahanapin ng pag-ibig. Kaya hindi mo kailangang maghanap. Love will find you. Just wait.”

Nagpasalamat muli si Ryan at nag-hug ulit sila ni Vice. Pati si Karylle ay napaiyak na rin sa heartwarming moment na iyon.

Anyway, as we all know ay single si Ryan ngayon matapos ang breakup nila ng fiancee na si Paola Huyong. They were engaged in 2024 at nagplanong magpapakasal in 2026 pero noong late 2025 ay napabalitang nag-break na sila at hindi na matutuloy ang wedding.

Kinumpirma ni Ryan ang breakup nila noong January 2026 saying na ginawa niya ang lahat para maisalba ang kanilang relasyon.

Isa sa sinabi niyang dahilan ng split-up ay ang magkaiba nilang kultura. (Vinia Vivar)