Ikinokonsidera ng pro¬secution team na huwag nang ituloy ang presentas¬yon ng mga ebidensiya kaugnay ng Article 3, o bribe¬ry allegations laban kay Vice President Sara Duterte upang mapabilis ang pagdinig sa impeachment case.
Ayon kay House prose¬cutor at Manila Rep. Joel Chua, bahagi ito ng kanilang estratehiya upang maiwasan ang mas mahabang paglilitis.
Sa halip na iprisinta ang lahat ng alegasyon, maaa¬ring ituon ng prosekusyon ang nalalabing presentas¬yon sa usapin ng unexplained wealth matapos ang mga naunang alegasyon kabilang ang umano’y maling paggamit ng confidential funds.
“Kino-consider namin. Why? Because we do not want a protracted hearing. Ibig sabihin, ayaw namin ng mahabang hearing,” pahayag ni Chua.
Ipinaliwanag ni Chua na nais ng prosekusyon na matapos ang kanilang presentasyon sa lalong madaling panahon upang makapagsimula na ang defense sa kanilang bahagi ng paglilitis.
Aniya, kung itutuloy pa ang presentasyon sa bribe¬ry allegations, maaaring umabot ang mga pagdinig hanggang Pasko, Bagong Taon, at maging sa Chinese New Year sa susunod na taon.
Samantala, sinabi ni Chua na naipresinta na umano ng prosecution ang mahahalagang ebidensiya para sa Article 4 at Article 1, kaya pinag-aaralan nilang bawasan ang mga artikulong kanilang ilalatag sa impeachment court. (Issa Santiago)









