Muling naitala ang bagong record low na P62.565 bawat isang US dollar sa kalakalan nitong Miyerkoles, Setyembre 2.
Naunang bumagsak sa all-time low na P62.69 bawat isang US dollar sa intraday trading, bago nakabangon at magsara sa P62.565.
Sinapawan ang dating all-time low na P62.40 kada dolyar sa pagsasara ng kalakalan noong Martes, Setyembre 1.
Patuloy namang binabantayan ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang foreign exchange market, matapos sumampa sa P62 ang halaga ng bawat US dollar noong nakaraang Biyernes.
Kapag mahina ang piso, dagdag gastos ito sa importasyon tulad ng binibiling langis sa abroad.
Sa kabilang banda, magandang balita naman ito sa pamilya ng mga overseas Filipino worker dahil sa mas mataas ang halaga ng ipapalit nilang dolyar.









