KAPAG wala nang iniintinding pakondisyon, training camp at pre-season, pasyal-pasyal na ang mga NBA players na nagpasyang mag-retire.
Sabay pang nag-chill-chill sa Italy and dalawang NBA legends na sina Chris Paul at Russell Westbrook.
Pero hindi naiwan ng dalawa ang bola, dahil nag-basketball pa sila sa isang yacht.
One last alley-oop?
Tumatanggap din ng alley-oop noon si Westbrook dahil mataas siyang tumalon.
Samantala, si CP3 ang author ng mga pasang tatapusin ni Blake Griffin sa payanig na dakdak sa rim noong panahon nila sa Los Angeles.
Binansagan pa nga ang LA Clippers noon bilang ‘Lob City’. Dito kinolekta ni Paul ang bulto ng kanyang higit 12,500 career assists.
Naunang nag-retire si Paul noong February matapos ang 21 seasons.
Nitong August, sinabit na rin ni one-time MVP Westbrook ang kanyang jersey.
Binansagang ‘Point God’ si CP3 dahil sa husay niya sa point, samantalang si Westbrook ang all-time leader ng triple-doubles (209 sa regular season).
Patok sa social media ang video ng dalawa na nagbibigayan ng alley-oop habang sakay ng yate.
Wala na sa kanila ang spotlight ng NBA, pero pinatunayan ng dalawa na mahirap iwan ang laro. At, mukhang may laman pa ang kani-kanilang mga tangke. (Vladi Eduarte)












