WebClick Tracer

Magnitude 5.4 tumama sa karagatan ng Davao Occidental

Naitala ang magnitude 5.4 na lindol sa karagatan ng Sarangani, Davao Occidental noong Martes ng gabi.

Sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) tumama ang lindol sa nasabing lugar bandang alas 9:22 ng gabi.

Tectonic anila ang pinagmulan ng lindol na nasa 71 kilometro timog-silangan ng Balut Island sa bayan ng Sarangani at may lalim na 106 kilometro.

Una nang iniulat ng Phivolcs na magnitude 6.0 ang lindol sa lugar pero ibinaba ito kalaunan sa magnitude 5.4.

Wala namang inaasahang pinsala o aftershock mula sa pagyanig, ayon sa ahensya.