WebClick Tracer

Kanta ng BINI binida ng Variety na pang-Oscars

Hindi pa man naipalalabas sa sinehan ang Dreamworks animated movie na “Forgotten Island” ay bidang-bida na sa online world ang theme song nitong “A Parallel World” na kinanta ng BINI.

Marami na ngang naunang masuwerteng nakapanood ng pelikula at music video ang nagsasabing malakas ang laban ng kanta para sa Academy Awards next year.

Mga kilalang kritiko pa nga ang mga kumukuda na swak na swak itong ma-nominate at manalo sa Oscars.

Maging ang sikat na international entertainment magazine na Variety ay naglabas na rin ng kanilang prediction na posibleng mapasama ang kanta ng Nation’s Girl Group sa shortlist ng nominasyon para sa Best Original Song nomination at the 2027 Oscars.

Ayon pa sa Variety Magazine, posible raw makalaban ng kantang “A Parallel World” ang theme song ng mga pelikulang “By Any Means” ng Paramount Pictures, “The Debut” ng A24, “Toy Story 5″ ng Pixar, at “Wildwood” ng Laika.

Bongga nina Gwen, Jhoanna, Aiah, Colet, Stacey, Mikha, Maloi, at Sheena kapag tuluyang na-nominate ang song nila dahil siguradong ipe-perform nila ng live sa Oscars ang “A Parallel World”.

Pero sa mismong writer at composer ng kanta na sina Nathan David at Shawn Wasabi mapupunta ang nasabing award kung mananalo ito.

Good luck, BINI!