WebClick Tracer

Josh, Kira na-stranded sa Clark dahil sa NLEX traffic

Na-stranded pala sa Clark Airport ang ex-“PBB” Housemates na sina Joshn Ford at Kira Balinger.

“Biktima” nga sila ng matinding traffic sa NLEX dahil sa baha.

‘Yung sundo kasi nila ay naipit sa traffic.

Pinost nga ni Rei Tan sa kanyang Facebook na, “Di makauwi ng Manila kahapon dahil sa matinding traffic sa NLEX . Pinasundo ko Beautéderm anak kong si Josh Ford sa Clark Airport. Inampon ko muna sila. Kasama ang apakagandang si Kira Balinger.”

At sa isa pang post, ipinagmalaki ni Rei na nakasama pa nga sa kanya si Josh sa pamimigay ng relief goods sa mga biktima ng matinding baha sa Pampanga.

So nice! (Jun Lalin)