WebClick Tracer

Jones, Chisholm pa-istar sa Yankees kontra Angels

NAG-DELIVER ng tig-isang homer sina Spencer Jones at Jazz Chisholm, Jr. para angklahan ang New York Yankees sa 7-3 panalo laban sa Los Angeles Angels Martes ng gabi (Miyerkoles sa Pilipinas).

Tatlong runs pa ang sinindihan ni Jones, naglista ng tatlong hits si Chisholm at inilayo ng Yankees (79-60) sa apat na laro ang lead sa karibal na Boston Red Sox (75-64) sa American League wildcard.

Apat at kalahating laro ang New York sa likod ng Tampa Bay Rays (83-55) na nangunguna sa AL East.

Pumitik ng back-to-back homers sina Jones at Chisholm para sa maagang 3-0 lead.

Ilang oras bago ang laro, nakumpirma na ibebenta ni Angles owner Arte Moreno ang controlling interest niya sa Kroenke Sports & Entertainment.

Namigay si Boston starting pitcher Gerrit Cole ng three runs at eight hits sa 5 1/3 innings, may limang strikeouts at isang walk.

Iginapos nina relievers Brent Headrick, Paul Blackburn at John Schreiber sa one-hit lang paglabas ni Cole. (Vladi Eduarte)