HINDI nagdalawang-isip si Jason Kidd na ikumpara si Cooper Flagg kina LeBron James at Giannis Antetokounmpo.
Alaga dati ni Kidd si Flagg sa Dallas habang siya pa ang head coach.
Sa ilalim ni Kidd, hinugot ng Mavs ang noo’y 18-year-old pa lang na si Flagg bilang No. 1 pick sa 2025 NBA draft.
Naging Rookie of the Year si Flagg, sa tulong ng estratehiya ni Kidd. Top option sa plays ng Mavericks si Flagg, naka-disenyo ang galawang pinatakbo ni Kidd para mapunta sa kanyang freshman player ang bola.
Sa All-Star Magazine YouTube channel, sinabi ni Kidd na papunta si Flagg sa hanay ng NBA greats tulad nina James at Antetokounmpo na kayang magdala ng isang team.
“When you talk about LeBron and what he did as a young player, and then also Cooper’s ability, you know, he’s one that loves to win, want to win, likes to work, is not afraid of the moment,” litanya ni Kidd. “So I would say he is on pace. I think those (James and Antetokounmpo) are his (comparison).”
Kailangan lang daw maging healthy si Flagg, umiwas sa injury.
Si LeBron ay 42 na sa December 30, papasok sa kanyang 24th season ngayong 2026-27 – una niya sa Philly. Four-time champion si ‘Bron sa Miami (2x), Cleveland Cavaliers at Lakers.
Si Giannis ay nasa Miami Heat na. Naihatid niya ang Milwaukee Bucks sa titulo noong 2021, two-time MVP pa (2019, 2020).
“I think all greats are judged with championships,” dagdag ni Kidd. “Not so much stats, but that’s the one stat that will stand out. And hopefully Cooper can achieve that.”
Noong June, sinibak si Kidd at si Dusty May na ang coach ng Mavs ngayon, siya ang magdi-disenyo ng plays para kay Flagg. (Vladi Eduarte)












