WebClick Tracer

Elijah umalma sa paratang na nag-cheat kay Miles

Smiling woman (Vinia Vivar) on a red campaign banner with bold white text'EH, DI WOW!' and the Abante logo.

Kinumpirma na ni Elijah Canlas na hiwalay na nga sila ulit ni Miles Ocampo.

Sa kanyang panayam sa “Ogie Diaz Inspires” ay inamin ng aktor na hindi nag-work out ang kanilang relasyon sa ikalawang pagkakataon, pero naging maayos naman daw ang kanilang breakup.

“As much as I’ve been trying to keep it private, siyempre, I’m going through it, pero dahil nga lumalabas na ‘to lahat, I mean, I think it’s time for me to say na opo, totoo siya (‘yung breakup) and out of respect for Miles, siyempre, I will always have love for her.

“Yeah, parang kailangang sabihin na lang din para wala na ‘yung mga speculation na mas nakakapagpalala pa sa ‘etong pinagdadaanan ko… pinagdadadanan namin,” simula ni Elijah.

Tinanong ni Ogie kung bakit sila nag-split ulit matapos ng kanilang balikan?

“‘Yun ‘yung masakit na part about it, Mama Ogs, kasi nga we got back together thinking ‘This is it.’ But yeah, that’s what happens in relationships,” aniya.

Aminado ang aktor na masakit para sa kanya ang breakup dahil ibinigay nila ang lahat at wala naman daw silang naging problema.

“Binigay namin lahat, ‘yun ‘yung masasabi ko po. And we broke up mutually and very amicably. Walang hate, at least on my part.

“And masakit, masakit ‘yung ganu’ng klase na mutual, na wala naman talagang problema, ‘di ba? Pero na-realize n’yo lang na baka hindi lang talaga match.

“Siyempre, I don’t wanna get into full details out of respect for her and our relationship,” saad niya.

Wish na lang ng aktor ngayon na matigil na ang mga maling espekulasyon tungkol sa kanilang breakup.

“Sana ‘yung pag-speculate ng mga tao, wala naman kaming magagawa, I mean, we’re public figures, it comes with the job. Minsan masakit kasi siyempre, hindi nila alam ‘yung totoo. Wala naman silang alam and that’s how I’d like to keep it. Siyempre, dahil ‘yung mga pinagdaanan namin, amin ‘yun, eh. ‘Yung pagmamahalan namin, amin ‘yon,” pahayag ni Elijah.

Napakarami raw nilang pinagdaanan ni Miles na hindi naman alam ng mga tao.

“So, sana po respetuhin ng mga tao ‘yon. And sana go easy with Miles, go easy on me, and let us heal, basically,” sey ng aktor.

Dalawang buwan na raw silang hiwalay ni Miles at 5 years ang itinagal ng kanilang relasyon.

“The love will always be there, and she’s a great, great person,” niya.

Tahasan ding itinanggi ni Elijah ang akusasyon ng mga tao na cheater siya.

“That’s not true,” aniya. “Miles would know it’s not true. People close to us would know that it’s not true. There’s no third party involved. Walang ganu’n talaga, ever,” paglilinaw ni Elijah.

“Sobrang mahal na mahal ko po ‘yon (Miles), and na-experience ko na ring maganu’n (cheated), so hindi ko gagawin ‘yun lalo sa kanya,” dagdag pa niya.

Nilinaw rin ni Elijah ang tungkol sa issue nila ni Thea Ashley na sinasabi ngang third party sa breakup dahil spotted silang magkasama sa La Union.

“OA ng mga tao, they made a mountain out of a molehill and there was no molehill to begin with. Thea and I are just friends and we’ve been friends for a while. And it wasn’t just the two of us in LU, we were with other friends,” saad niya.

Wala raw siyang bagong girlfriend tulad ng mga lumalabas dahil sa ngayon ay hindi raw ito ang priority niya.

“It’s not time for that at all. Right now, I’m focused on work, I’m focused on myself, you know. I was in a relationship for 5 years, that’s a long time of my life. And those 5 years, I don’t regret any of it. Those were the best 5 years of my life.

“So, parang it would be a dishonor to myself, even to my heart to just jump into straight relationship agad,” he said.