Flinex ni Jericho Rosales ang panonood nila ng girlfriend niyang si Janine Gutierrez ng laban ni Alex Eala nitong Miyerkoles.
Kitang-kita sa sunod-sunod na Instagram Story post ni Jericho ang sobrang kasiyahan nila ni Janine kasama ang mga kababayan natin habang tsini-cheer si Alex.
Mas lalong naaliw ang magkasintahan at mga Pinoy sa US dahil natalo ni Alex si Mary Stoiana sa straight sets (6-1, 6-2) sa first round ng 2026 US Open women’s singles tournament na ginanap sa Louis Armstrong Stadium, Flushing Meadows, New York.
Nakaka-proud naman talaga si Alex. Kahit sinong kababayan at casuals na mahilig sa nasabing sports ay tuwang-tuwa sa Pinay tennis champion matapos nitong madomina ang first serve niya kung saan napanalunan niya ang 28 ng kanyang 44 first-serve points na naging major weapon niya sa nasabing kumpetisyon.
Tanong tuloy ng fans at casuals kung manonood din daw ang EchoNine sa next laban ni Alex laban kay Oleksandra Oliynykova ng Ukraine.
Mukha raw kasing lucky charm ni Alex ang magdyowa.
May ganu’n?! (Ogie Rodriguez)












