HABANG nakikipagbuno ang Gilas Pilipinas sa FIBA World Cup 2027 Asian Games noong August 27-31 window sa Mall of Asia Arena, tahimik na nag-eensayo ang all-PBA squad para naman sa title defense sa 20th Asian Games sa Nagoya.
Natapos ang preparasyon ng team nitong Martes, kinabukasan September 2 ay bumiyahe ng Korea para sa final tuneup games bago dumiretso sa Japan.
Sa huling talaan, nasa Gilas-Asiad squad sina Robert Bolick, Sedrick Barefield, Adrian Nocum, Zavier Lucero, RJ Abarrientos, Justin Arana, Justine Baltazar, Jerrick Ahanmisi, Don Trollano, Brandon Bates at Brandon Ganuelas-Rosser.
Inireserba ang 12th spot kay naturalized player Justin Brownlee, pero hindi pa sigurado kung makakasama.
Hindi pa 100 percent na nakakarekober si Brownlee mula sa ankle, hamstring at knee injuries kaya all-Filipino din ang Gilas sa FIBA window pero nagawang walisin ang dalawang laro sa mga panalo sa Jordan at Iran.
Nakalinya ang dalawang friendly games ng Filipinos kontra South Korea national team sa Biyernes (September 4) at Linggo (September 6).
Magma-martsa sa Nagoya ang Gilas bilang defending champions, binawi ang gold sa Hangzhou, China noong 2023 Asiad.
Nasa Group C ang Pilipinas, uumpisahan ang title defense sa pool play sa back-to-back games laban sa Bahrain (September 11) at Kazakhstan (September 12), magkakaroon ng isang araw na break bago ang showdown sa China (September 14). (Vladi Eduarte)












