Umani ng magkasunod na nominasyon ang intercollegiate quiz show na “Bilyonaryo Quiz B”, na pinangungunahan ng iconic host na si David Celdran sa Bilyonaryo News Channel, sa 7th ALTA Media Icon Awards (AMIA) 2026.
Nominado ang palabas sa kategoryang Best Educational Program para sa kanilang “Bilyonaryo Quiz B: Season 2 College Edition”.
Bukod dito, kinilala rin ang host ng programa na si Celdran, na nominado naman sa kategoryang Best Educational Program Host para sa kanyang mahusay na pagdadala ng naturang educational quiz show sa BNC.
Opisyal na tatakbo ang voting period para sa 7th ALTA Media Icon Awards 2026 mula Setyembre 2 hanggang Setyembre 11. (Issa Santiago)












