Naglaan ang gobyerno ng P300 milyon para kumpunihin ang nasirang tulay sa Tarlac dulot ng malalang pagbaha noong nakalipas na linggo.
Ito ang inihayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. matapos inspeksiyunin ang pinsala ng Agana Bridge at Aquino Bridge sa Tarlac nitong Miyerkoles, Setyembre 2.
Ayon sa Pangulo, magtutulungan ang national at local government upang mabilis na makumpuni at magamit ng mga motorista ang nasirang tulay.
Sinabi ng Pangulo na tiniyak sa kanya na sa loob ng dalawang linggo ay maaari nang madaanan ng maliliit na sasakyan ang Agana Bridge na may bigat na 10 tonelada suba¬lit matatagalan pa sa Aquino Bridge dahil mas malaki ang pinsala nito.
Sa ngayon ayon sa Presidente ay gagawa muna ng pansamantalang tulay na bakal para may madaanan ang mga tao. (Aileen Taliping)









