WebClick Tracer

Alyssa Valdez, Creamline bubunutin pangil ng Foxies

Standings W L

Creamline 2 0

Farm Fresh 1 1

Nxled 1 1

EST Cola 1 1

PLDT 1 1

Ho Chi Minh City 0 2

Mga laro sa Huwebes: (Araneta Coliseum)

1:30pm – Farm Fresh vs Creamline

4:00pm – Ho Chi Min vs PLDT

6:30pm – EST Cola vs Nxled

PANANATILIHIN nina Alyssa Valdez at Creamline Cool Smashers ang natatanging malinis na karta sa paghahangad nitong sunod na katayin ang Farm Fresh Foxies sa unang laro sa pagbabalik ng 2026 Premier Volleyball League (PVL) Invitational Conference sa Araneta Coliseum ngayong Huwebes, Setyembre 3.

Itataya ng Cool Smashers sa ganap na 1:30 ng hapon ang perpekto nitong 2-0 record sa pagsagupa sa Foxies na pilit na babangon sa nalasap na kabiguan sa huli nitong laban.

Susundan ito ng paghaharap ng pilit babangon mula kabiguan na defending champion PLDT High Speed Hitters at bisita na Ho Chi Minh sa alas-4 ng hapon.

Hangad naman ng EST Cola na makamit ang pangalawang sunod na panalo sa pagsagupa nito sa pangatlo at panghuling laro sa ganap na alas-6:30 ng gabi ang nagpapakita naman ng kanilang bangis na Nxled Chameleons.

Magkasunod na binigo nina Alyssa at ng Cool Smashers ang Chameleons at Ho Chi Minh upang maging tanging koponan na may perpektong karta.

Bigo naman ang Foxies na maipagpatuloy ang maganda nitong simula matapos na madiskaril sa nagpakita ng kanilang pagiging isa sa kinikilalang powerhouse sa sport na EST Cola ng Thailand para mahulog sa 1-1 record.

Lubhang naasahan ng Creamline ang kalidad sa paglalaro ni Jaja Santiago-Minowa sa nakalipas nitong dalawang laro na kung saan nasisilip ng Creamline ang itsura ng kanilang kampanya sa mataas na presensiya sa gitna sa dating bituin ng Japan SV.League.

Para kay head coach Sherwin Meneses, ang pagdating ni Minowa ay nakapagbawas na ng pasanin sa isang koponan na karaniwang kailangang bumawi sa kakulangan ng kanilang laki sa net.

“Napapadali ‘yung laro ng Creamline eh,” sabi ni Meneses sa pagwalis sa Vietnamese team, 25-18, 25-16, 25-6.

Ikinatuwa din nina Creamline team captain Valdez at opposite hitter Jessica Margaret Galanza ang kanilang bagong direksiyon kasama si Minowa.

“Siyempre, masaya. Sobrang gaan kasama si Jaja kasi hindi mo kailangang mag-isip bago pumalo. Kasi siya na iyung papalo. Pero, ayun, madami kang matututunan kay Jaja. Ang dami niya nashe-share sa amin,” sabi ni Galanza.

Ang ikatlong panalo ay inaasahang makakapagtulak sa Creamline sa unang apat na puwesto kung saan matapos ang isang round na eliminasyon ay madedetermina ang maglalaban para sa 5th at 6th place, ang 3rd at 4th place at 1st at 2nd spot. (Lito Oredo)