WebClick Tracer

Tatak Pinoy

MAGANDANG araw mga ka-Abante, ka-Depensa at ka-Bolahan.

Humupa na ang ulan pero sa ibang dako ng Pilipinas, pabugso-bugso pa rin. Kung pinsala ang pag-uusapan, malaking gastos at siyempre ang baha, peligro at sakit ay walang presyo pero ininda ng ating mga kabababayan ang pahirap.

Buti na lang nanalo ang Gilas Pilipinas sa FIBA Qualifiers na ginanap sa ating bansa. Tinalo ng Gilas ang koponan ng Jordan at Iran.

Parehong naghahabol tayo sa laban pero nakahanap ang mga Pinoy baller ng paraan kung paano manalo sa dulo kahit wala ang “Pambansang Import” na si Justin Brownlee.

Ang hirap ilarawan kung gaano kasaya ang mga Pinoy sa dalawang panalo ng Gilas. Talagang wild at talunan sa loob ng arena dahil sa all-Pinoy ang laban at lumabas ang mga laro ng Pinoy.

Ang laking adjustment para kay coach Tim Cone ang ginawa niya, ibinigay ni CTC sa players kung saan sila komportable na laro, hindi nawala ang mga isolation plays (JDL) sa ibabaw, post play sa mga big guard (Dwight Ramos) at ibinabad ni CTC ang OFW players natin sa laban.

Iyung PBA boys, medyo bawas ang playing time pero naka-alalay naman sa laban. Ang importante ay nanalo tayo at ito ay “something to look forward to”.

Tiwala sa talento ng Pinoy ballers at crowd support ang nagdala sa laban. Kung pupuwede lang sana dito lagi ganapin sa ‘Pinas ang laban eh napakasaya lagi.

Kaya sa susunod naman, suportahan at ipagdasal natin ang laban ni Alex Eala sa US Open at ang Gilas na lalaban sa Asiad.