WebClick Tracer

Retiradong bumbero sumosyo sa shabu, kalaboso

Arestado ang isang 67-anyos na retiradong bumbero matapos umano siyang mahulihan ng shabu sa isinagawang drug sting operation sa Barangay 2, Hinoba-an, Negros Occidental.

Kinilala ng pulisya ang suspek sa alyas na “Romeo” na nagretiro sa Bureau of Fire Protection (BFP) mahigit isang dekada na ang nakalipas.

Ayon sa pulisya, nahuli si Romeo matapos umanong bentahan ng P500 halaga ng shabu ang isang police agent.
Narekober mula sa suspek ang nasa tatlong gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P20,400.
Ayon kay Police Lt. Marivic Delos Reyes, deputy chief ng Hinoba-an Municipal Police Station, nakatakdang kasuhan ang suspek ng paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang alamin kung may iba pang sangkot at kung gaano na katagal umanong nasasangkot ang suspek sa ilegal na droga.