INABOT ng higit 50 years ang New York Knicks bago naibalik sa Madison Square Garden ang Larry O’Brien Trophy.
Dalawa’t kalahating buwan matapos talunin si Victor Wembanyama at San Antonio Spurs sa 2026 championship, mukhang may hangover pa ang Knicks.
Halos buong limang laro sa finals ay umahon mula double-digit deficit ang New York sa pangunguna nina Jalen Brunson, Karl-Anthony Towns, Josh Hart, OG Anunoby, Mikal Bridges.
Sama na rin si Jordan Clarkson.
Bumanat ang social media team ng Knicks, sinundot ang Spurs, sa X (dating Twitter), nag-post ang team tungkol sa 29-point lead ng San Antonio na nilusaw ng New York para agawin ang panalo 107-106 sa Game 4.
“29 likes isn’t a lot … imagine coming back from down 29 points in the finals,” post ng team.
Flashback: Sumakay sa momentum ng Game 3 win ang Spurs, nagliliyab na inumpisahan ang Game 4 sa MSG at umagwat ng 29 sa halftime.
Nahuhulog sa net ang tira ng shooters ng San Antonio, dinodomina ni Wembanyama ang paint at mukhang itatabla na sa tigalawang laro ang series.
Nagising sa third quarter ang Knicks, sa pangunguna nina Brunson, Anunoby at Jose Alvarado ay unti-unting kinain ang lead. Bida sa dulo si Anunoby nang blangkahin ang layup ni De’Aaron Fox bago ang final-second tip-in sa mintis ni Brunson.
Baka naman namba-baterya lang ang Knicks habang pinaghahandaan ang title defense.
Wala halos nagalaw sa core, maliban kay backup center Mitchell Robinson na tumawid na sa Boston matapos ang championship run.
May target sa likod ng Knicks, 29 teams din ang umaasinta para agawin ang kanilang korona. (Vladi Eduarte)












