EXCITED na si Lu Dort na makasama ang isa pang tulad niyang Canadian, si Nickeil Alexander-Walker, sa Atlanta Hawks.
Pickup ng Thunder mula sa undrafted players noong 2019 si Dort, ginugol niya ang unang pitong seasons sa Oklahoma City bago na-trade sa Atlanta nitong offseason.
Tinulungan ng shooting guard ang isa pang Canadian, si Shai Gilgeous-Alexander, na ihatid ang OKC sa kampeonato noong 2025.
Magpinsan sina Alexander-Walker at Gilgeous-Alexander.
Nang malaman ni Dort ang trade, tinawagan daw niya si Alexander-Walker.
“Nickeil is one of my closest friends,” ani Dort. “We played on the same high school team and against each other our whole lives.”
Teammates na ang dalawa sa Hawks.
Nakaliskisan ang dalawa sa laro ng Canada sa katatapos na window ng FIBA World Cup 2027 Americas Qualifiers.
Nag-beg off si Shai kaya umeksena sina Alexander-Walker at Dort.
Sa huling outing, itinumba ng Canada ang Argentina 97-92.
Nagsumite si Nickeil-Alexander ng team-high 26 points, 3 rebounds, 5 assists, 2 steals. Sumegunda si Dort ng 25 points, 2 rebounds, 2 assists, 2 steals.
Kung maitutuloy ng dalawang 27-year-olds ang solidong tandem sa Atlanta, malayo ang mararating ng Hawks. (Vladi Eduarte)












