WebClick Tracer

Lionel Messi retiro na sa international stage

BINASAG mismo ni Argentina superstar Lionel Messi ang balita na magre-retire na siya sa international soccer.

Tinapos na ng 39-year-old ang 21 years ng national team duty na tinampukan ng World Cup title noong 2022.

“It was a decision that hurt – and still hurts deeply – but I understand that the time has come,” post ni Messi sa kanyang Instagram account nitong Lunes (Martes sa Pilipinas).

Pero tuloy pa ang paglalaro ni Messi para sa Inter Miami sa Major League Soccer.

Sumalang ang star sa record-tying six World Cups, itinaas ang tropeo nang dominahin ang torneo sa Qatar.

Binitbit din niya ang Argentina sa title match noong 2014 at muling ibinalik sa finale noong July sa MetLife Stadium sa New Jersey. Natalo lang ang Albiceleste sa Spain sa extra time 1-0.

Kalinya na ni Messi ang kababayang si Diego Maradona at si Brazil icon Pele sa tinuturing na greatest soccer players of all time.

Sumipa si Messi sa 207 games para sa Argentina, tatapusin ang career bilang all-time leading scorer ng bansa sa 125 goals – 21 sa World Cups.

Mas marami lang ang goals sa men’s internationals ang karibal niyang si Cristiano Ronaldo sa 146 para sa Portugal. (Vladi Eduarte)