WebClick Tracer

Fashionista talaga ang lola n’yo! Naomi Osaka nagbigay-pugay kay Iverson sa US Open outfit

NAWIWILI si Naomi Osaka sa mga kakaibang outfits sa court, pinagsama ang tennis at pagiging fashionista.

Noong June, nanggulat siya sa Wimbledon nang magsuot ng Japanese kimono.

Sa unang match niya naman sa US Open nitong Lunes sa Flushing Meadows, New York, si Basketball Hall of Famer at NBA great Allen Iverson naman ang binigyan niya ng tribute.

Lumabas mula sa tunnel at tumapak sa Arthur Ashe Stadium si Osaka na nakasuot ng mahabang white skirt at gray hoodie na may newspaper clippings ng mga balita sa kanya.

At ang pamatay, cornrows ang buhok na nilagyan ng headband, may elbow sleeve at arm sleeve.

Kuhang-kuha ang outfittan ni Iverson noong kapanahunan.

“For me, he’s a trailblazer. I think he’s also someone that I look up to a lot, because he’s kind of like done a lot in fashion, whether it’s on purpose or not, but he’s shifted the way that NBA players dress,” ani Osaka na inilagay ni Iverson sa kanyang Instagram.

Si Iverson ang ‘The Answer’ nang dumating sa Philadelphia bilang No. 1 pick noong 1996, hindi lang nabigyan ng titulo ang 76ers bagama’t naihatid sa Finals noong 2001.

Pasabog ang 6-foot guard sa kanyang attitude at style, naging one-time MVP (2001) at four-time scoring champion.

Tinalo ni Osaka si Anastasia Zakharova 7-6 (6), 7-6 (3), haharapin sa second round si Katerina Siniakova. (Vladi Eduarte)